‘Truth’ hinaharang ng Kongreso

ISANG kaalyado ni Pangulong Aquino ang nagmungkahi na idaan sa pag-aapruba ng Kongreso ang nilikhang Truth Commission  na magsasagawa ng imbestigasyon sa mga katiwalian ng nagdaang administrasyon.

Ginawa ni Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, miyembro ng Partidong Nationalist People’s Coalition (NPC) ang kanyang rekomendasyon matapos aminin ni dating Chief Justice Hilario Davide na walang kapangyarihan ang komisyon para i-contempt si dating Pangulong Arroyo sakaling hindi ito sumipot sa imbestigasyon.

Naunang sinabi ni Davide na walang magagawa ang Truth Commission para i-contempt si GMA dahil walang ganitong kapangyarihan ang komisyon maging ang pagsasampa ng kaso laban dito bukod pa aniya na hanggang ngayon ay wala pa itong malinaw na pondo.

Nangangamba si Aggabao na mababalewala lamang ang panahon at pondo ng naturang komisyon dahil wala rin itong ipinagkaiba sa Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na matapos magsagawa ng imbestigasyon sa hostage fiasco ay pinalitan din ang rekomendasyon nito. Meliza  Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply