“Injury ni Dapudong busisiin!”—WBC head

INIUTOS ni WBC President Jose Sulaiman ang malalimang imbestigasyon sa injury na tinamo ni Filipino boxer Edrin Dapudong sa kanyang huling laban kay Wilbert Uicab noong isang buwan sa Cancun, Mexico.

Ayon kay Sulaiman, itutulak niya ang resulta ng pagbubusisi na ito sa WBC Convention sa Nov. 1 hanggang 6 sa nasabi ring lugar.

“I object respectfully, however, to the terms of the article putting a blame on Mexicans,  as this might be insulting and humiliating to people of a country that have had nothing but hospitality, respect and recognition to all boxers from the Philippines who have come to fight in Mexico,” pahayag ni Sulaiman.

Naani ni  Dapudong (20-3-0 11KOs)  ang WBC silver flyweight crown sa pamamagitan ng 1st round knockout kay Mexican Jesus Jimenez sa Nayarit, Mexico noong June 19 at nakuha naman ito ni Uicab noong Sept. 17 sa una niyang pagdepensa rito.

Tinanggap naman ng kampo ni Dapudong ang pagkatalo ngunit ipinagtaka nito ang maraming sugat na tinamo ng boksingero sa laban na hindi umano kanais-nais at marapat na imbestigahan.

Unang nagreklamo si Dapudong dahil sa sangkaterbang sugat sa mga braso na tinamo niya na parang hiniwa ng blade o matulis na bagay pagkatapos ng laban. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply