“Training ni Pacman madugo na!”—Roach

NASA Estados Unidos na ngayon sina Manny Pacquiao at trainer Freddie Roach kung saan dinumog ito ng maraming fans sa Los Angeles International Airport nang dumating doon.

Ilang oras din umanong naghintay ang mga tagahanga ni Pacman bago lumabas ng terminal ang Pambansang Kamao. Ikinatuwa naman ni Roach na nakarating na sila sa Tate dahil mabibigyan na nila ng sapat na panahon ang pagtutok sa sparring sessions bilang paghahanda sa laban kontra kay Antonio Margarito sa Nob. 14.

“Now it’s time to get focused,” pahayag ni Roach, we’re in L.A.

Ayon kay Roach, si Pacquiao ay tumitimbang na ng 146 kaya naniniwala silang hindi mahihirapan ang Pinoy champ sa pagkuha sa catch weight na 152 pounds pagdating ng weigh-in isang araw bago ang aktuwal na sagupaan.

Naniniwala rin si Roach na hindi lalagpas ng walong rounds ang sagupaan at magtatamo ng knockout win ang Pinoy boxer.

Magiging madugo na umano ang mga susunod na sparring nila kaya dapat maghanda ang mga sparmates ng Pambansang Kamao.

“Today he weighed 146. This fight will not go past eight rounds. It’ll be a clean KO,” ani Roach. Ipinahayag din ni Roach na darating na bukas ang tatlo pang sparring partners ni Pacman para matulungan ito sa pagsasanay.

Sa Los Angeles na rin nila paplantsahin ang paghahanda nila laban kay Margarito. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply