1 patay, 1 kritikal sa pamamaril

MALAKI ang hinala ng pulisya na alitan ang motibo sa nangyaring pamamaslang sa isang lalaki na pinagbabaril kahapon ng umaga sa Makati City.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati ang biktimang si Rolando Torente, residente ng Blk. 90, Lot 8, Roma Amor corner Floraville sts., Brgy. Rizal sanhi ng mga  tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Isinugod din sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan ang kapitbahay ng biktima na si Vivian Manalo, 54, ng Blk. 91, Lot 15, ng nasabi ring lugar matapos tamaan ng ligaw na bala habang papalabas sa kanyang tirahan. Tumakas ang suspek, na kinilala lang sa alyas Boy Muslim, makaraan ang pamamaril.

Batay sa ulat ni SPO1 Nilo Sadsad, naganap ang insidente dakong 6:15 ng umaga sa harapan ng bahay ng biktima.

Tiniyak naman ni Senior Supt. Froilan Bonifacio, hepe ng Makati police, na walang kaugnayan sa nalalapit na halalang pambarangay ang pamamaslang at posible matagal nang alitan ang dahilan ng krimen. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply