1 patay, 2 sugatan sa pananambang

TINAMBANGAN ng apat na armadong lalaking sakay ng dalawang motorsiklo ang tatlong kawani ng isang pawnshop sa Muntinlupa City sa pag-aakalang may dalang malaking halaga ng salapi ang mga ito.

Napatay sa pananambang kamakalawa ng hapon ang company driver na si Jesus Enriquez, 36, ng Green Valley C, San Nicholas 3, Bacoor, Cavite, habang sugatan naman ang pasaherong sina Conshelle Orillo, 39, senior cashier ng MB Aguirre Pawnshop, residente ng Cabuyao, Laguna, at Bernadit Palen, 36, area manager ng naturan ding pawnshop, at nakatira sa Centennial Townhouse, Cabuyao, Laguna.

Tumakas ang apat na salarin matapos tangayin ang dalawang shoulder bag ng dalawang pasahero sa pag-aakalang naglalaman ito ng malaking halaga ng salapi.

Batay sa ulat nina PO3 Richard Bagoyo at PO3 Orlando Deniega Jr.,  patungo sa Alabang ang tatlo sakay ng Toyota Vios, may plakang ZVX-468, nang tambangan ng mga suspek sa kanto ng Alabang-Zapote Road at Acacia st., Madrigal Business Park dakong 2:50 ng hapon.

Bagama’t sugatan, pinilit ni Enriquez na takasan ang mga salarin. Subalit dahil sa grabeng  tama ng bala ay bumangga ang minamaneho sa poste ng traffic light. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply