1 patay 4 sugatan sa frat group

NAMATAY ang isang lalaki habang sugatan ang apat na kasama nito matapos pagsasaksakin ng mga hindi pa kilalang miyembro ng Tau Gamma Phi makaraang tumirik ang sinasakyan tricycle, sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Rodriguez Hospital sanhi ng saksak at palo sa ulo si Roger Umali, 39, ng Gemelina cmpd., Bagumbong, ng nasabing lungsod.

Ginagamot sa nabanggit na ospital ang apat pang biktima na sina Ben Tagadian, 41; Manolo Juano, 42; Dominador Pascual, 41; at isa pang hindi nakilalang lalaki, pawang ng naturang lugar.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng umaga, sakay ng isang tricycle ay galing ang mga biktima sa inuman at pagsapit sa Phase 10-A rd., Bagong Silang ay tumirik ang sinasakyan.

Habang inaayos ang tricycle ay sumulpot ang mga suspek saka pinaghahataw at pinagsasaksak ang mga biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala sa  ospital ang mga biktima subalit napuruhan si Umali na siyang ikinasawi nito. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply