10.10.10 Champions

HARI at Reyna na tumawid sa finish line sina Philippine  Army-Special Services Unit stalwart Alquin Bolivar at Far Eastern University bet Carmen Dalyn  sa tampok na 10-kilometrong distansiya ng Kapit Bisig Para Sa Ilog Pasig 10.10.10 Run kahapon sa Ayala, Makati City.
Humagibis  si Bolivar sa mga kahagarang   sina Abraham Barcarse  ng Manila Water-Mizuno Team at Ramie Lacson ng Runners Link , upang isuot ang korona  sa huling isa’t-kalahating kilometro. Nagtiyaga  sa   pangalawang puwesto si Barcarse samantalang pinapelan ni  Lacson ang terserang posisyon.

Madali naman  ang pagputong ng korona sa ulo  ni Dalyn, na malayo sa sumunod na  batang ABS-CBN na si Olive Cortez,  at sa panlaban  ng Philippine Navy (Marine) na si Pvt. Mary Joy delos Santos, sa takbong layong wasakin  ang   World Guinness Record na 110,000 runners  na lumahok sa 1988 Bay To Breakers Run sa San Francisco, USA.

Wala pang opisyal na pahayag hingil sa record, bagama’t kumalat na ang balitang  sumampa sa 100,000  mananakbo  ang lumahok,  sa tulong ng mga  disipulo ng El Shaddai,  mag-aaral, kapulisan, kasundalahan at iba pang   apisyonado ng pagtakbo.

Pasok sa Top 3 Male Finishers ng limang kilometrong ruta, sina – 1. Mervin Guarte, 2. Ferdinand Corpuz at 3. Justine Tabunda, na pawang manlalaro ng San Sebastian College.

Sa kababaihan, nauna si Nhea-Ann Barcena ng Panukulan, Quezon, naka-pilak ang Ilonggang si Serenata Saluan at naka-pilak naman si Luisa Raterta ng front RUNNER sa takbuhang layong   makatipon  ng pondo para sa pitong taong paglilinis ng Ilog Pasig upang mapangalagaan ng husto ang Kamaynilaan sa mga kalamidad na nagaganap dito tuwing may bagyo..

Kasama sa pinarangalan ang unang tatlo, sa tatlong kilometrong ruta, na sina -Male- 1. Richard Salano (U.E.), 2. Jordan Paul Billones (UST) at Dave Gumacal (UST) at -Female – 1. Reizel Pedrina (UST), 2. Cristine Delfin (UST) at 3. Ronya Bumpus (UE), na nakatanggap din ng salaping gantimpala,   TIMEX  watch at iba pang regalong gantimpala.  Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply