10-anyos na paslit minolestiya sa banyo

TULUYAN nang winakasan ng isang batang babae ang kahayupang ginagawa sa kanyang ng isang kapitbahay nang ipaaresto ang huli dahil sa pangmomolestiya sa una sa loob ng banyo sa Navotas City.

Ang biktima, na sinamahan na kanyang ina sa himpilan ng pulisya, ay itinago sa alyas Auria, 10, ng Tabing Dagat, Tulay 4, Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nakapiit habang nahaharap sa kasong acts of lasciviousness sa ilalim ng RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) ang suspek na si Ely Lamoste, 43, kapitbahay ng biktima.

Base sa imbestigasyon ni PO1 Dina Pagdanganan, unang naganap ang pangmomolestiya sa biktima noong nakaraang Setyembre 25 sa loob ng banyo at ang huli ay noong kamakalawa dakong alas-kwatro ng hapon.

Ayon sa salaysay ng biktima, naliligo siya sa loob ng banyo nang bigla na lamang siyang pinasok ng suspek.

Kaagad pinaghihipuan saka pinaghahalikan ng suspek ang biktima. Hindi pa ito nakuntento at ipinasok pa nito ang isang daliri sa kaselanan ng bata.

Sinabihan ng suspek ang biktima na huwag mag-ingay at bibigyan na lamang ng pera. Tinakot din ni Lamoste si Auria na may mangyayaring masama kapag nagsumbong ito sa mga magulang.

Sa unang pagkakataon ay tumahimik na lamang ang bata hanggang sa muling ulitin ng suspek ang kahayupan iyon.

Hindi na nakatiis si Auria kaya’t nagsumbong siya sa kanyang magulang. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply