1,000 oil tanker magpapasikip sa SLEX, NLEX

HUMINGI ng pang-unawa  ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko at makiisa kaugnay sa pagsasara ng pipe line ng First Philippine Industrial Corp. o FPIC, bunsod ng tatlong buwan ng problema sa oil leak, sa West  Tower Condominium, sa Brgy. Bangkal, Makati City.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ang magiging epekto ng isasarang pipe line sa ekonomiya ng bansa.

Paliwanag pa ni Tolentino, ito ay mangangahulugan lang sa pagpasok ng produkto ng petrolyo lulan ng mga truck na tiyak na magdudulot ng matinding trapiko sa South Luzon Express Way (SLEX) at North Luzon Express Way (NLEX).

Umapela pa si Tolentino sa mga motorista na habaan ang pasensya dahil lubos na maapektuhan ang daloy ng trapiko sa lansangan sa oras na dumaan ang nasabing dami ng mga truck na maghahatid ng supply ng langis sa Pandacan oil depot.

Pinag-aaralan na ng MMDA ang kahilingan ng Department of Energy (DOE) na magpalabas ng permit para sa mga tanker na magde-deliver ng mga produktong petrolyo sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ni Tolentino, na posibleng aprubahan  ang kahilingan ng DOE dahil makakaapekto ito sa suplay ng produktong petrolyo sa ilang lugar sa bansa kabilang na sa Batangas at Cavite. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply