10,000 pulis ipakakalat ng NCRPO

NAGPAKALAT ng 10,000 pulis ang pamunuan ng National Capital Region Police Office sa buong Metro Manila upang magbantay sa darating na barangay at SK election sa darating na Lunes, Oktubre 25, taong kasalukuyan.

Nag-alay nang panalangin si NCRPO Director Chief Nicanor Bartolome kasama ang ilang mga miyembro ng religius group upang ipagdasal ang nalalapit na halalan na maging mapayapa at maiwasan ang kaguluhan pagsapit ng eleksiyon.

Ayon kay Bartolome, sisimilan niya ngayong araw ang paglilibot sa iba’t ibang ditrito upang bigyan ng instruction ang bawat hepe at district director na higpitan ang segudidad sa mga nasasakupang lugar.

Nagpatawag kahapon ng command conference ang bagong pinuno ng NCRPO upang ipaalam sa mga command group ang gagampanan ng PNP, partikular na sa buong Kamaynilaan na sentro ng posibleng kaguluhan. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply