100,000 puno itinanim sa New Bilibid Prison

HALOS isang bilyong puno ang itatanim sa buong bansa bilang tugon kaugnay sa lumalalang sitwasyon sanhi nang pabago-bagong klima dahil sa global warming.

Ito ay sa tulong ng proyektong inilatag ni Dating Batangas Governor Antonio Leviste na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison  sa Muntinlupa City.

Sa panayam kay  Leviste,100,000 sari-saring puno na ang itinanim nito sa bakuran ng Bilibid prison sa loob lamang ng dalawang linggo na magiging kasagutan sa problema sa global warming.

Ang mga punong naitanim ni Leviste sa kanyang tinawag na sangtwaryo malapit sa ilog ay tinawag nitong  Greenbelt Bilibid Watershed, sa loob ng New Bilibid Prison.

Kabilang sa mga naitanim na puno ay ang Molave, banaba, Mahogany, Narra, Acacia at Malunggay.

Dagdag pa ni Leviste na napapanahon ang pagtatanim ng punong kahoy dahil sa banta nang pabago-bagong klima ng panahon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Nag-ugat ang proyekto ni Leviste nang mapansin nito ang Calumpang tree sa loob ng compound na nagpapaalala sa kanya sa dati nitong asawang si Sen. Loren Legarda na mahilig din sa kalikasan.

Dahil sa kagustuhang ipalaganap ang proyekto, sumulat na rin ito sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) partikular kay Sec. Jess Robredo upang hikayatin ang mga barangay na magtanim ng mga puno sa kanilang komunidad bilang bahagi ng kanyang proyekto.

Nakahanda rin mamigay si Leviste ng mga buto ng punong kahoy na itatanim sa mga barangay sa kondisyong maalagaan ito hanggang sa paglaki.Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply