100th day protest kay PNoy: Kalbong OFWs

NAGBANTA ang may 100 Overseas Filipino Workers (OFWs) na magpapakalbo kasabay ng ika-100 araw ni Pangulong Noynoy Aquino sa puwesto sa October 7 bilang protesta sa pagtapyas sa budget ng kanilang legal assistance

Sinabi ni John Leonard Montero, regional coordinator ng migrante Middle East, bahagi ng inter-protest ng kanilang pagkondena sa pagbabawas sa budget para sa legal assistance ng mga OFWs.

Iisagawa ang pagpapakalbo ng mga militanteng OFW sa Alkobar at Riyad sa Saudi Arabia

Para sa grupong migrante, “unsatisfactory” ang performance ni P-Noy dahil sa loob ng kanyang ika-100 araw sa puwesto ay wala raw itong naipatupad kahit isa sa 22 labor and employment agenda nito at 11 rito ay para sa mga OFWs.

Dagdag pa ni Montero, ang kanilang pagpapakalbo ay upang iprotesta rin ang kawalang aksyon ng Pangulo upang matugunan ang iba pang hinaing ng mga OFWs na naghihirap sa ibayong dagat.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply