12 tripulanteng Tsino nawawala

PATULOY ang pagsasagawa ng search-and-rescue operation kahapon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at Taiwanese Coast Guard (TCG) upang hanapin ang 12 tripulanteng Tsino matapos iabandona  ang dala nilang cargo ship nang magkaaberya  sa boundary ng Taiwan at Pilipinas. Iniulat ng PCG na isa ang namatay sa 25 tripulanteng sakay ng cargo ship, habang 12 ang  nasagip  ng  helicopter ng Taiwan sa may Southwest of Pindon County at sa Hilagang kanluran ng Batanes.

Nabatid na nagpalabas ng fixed wing aircraft ang PCG para sa pagsasagawa ng SAR.

Nagpalabas rin ang PCG ng Notice to Marines (Notam) sa lahat ng mga sasakyang pandagat na dumadaan sa lugar na magmanman sa lugar upang baka sakaling makita ang mga nawawalang tripulante. Jocelyn Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply