140K lumahok sa sa 10-10-10

KABILANG  ang delegasyon ng  Philippine Drug Enforcement Agency sa may 140,000 mga runners na lumahok sa  inilunsad  na fun run para sa Pasig River 10-10-10 kahapon araw ng Linggo ng umaga sa Mall of Asia.

Pinangunahan ni PDEA Director General/Senior  Dionisio  R. Santiago ang may 85 delegasyon  ng kanyang  mga opisyales at tauhan  na lumahok sa makasaysayang  pagtakbo at mapabilang  sa Guinness Book of World Record sa pinakamaraming tumakbo sa nasabing event.

Kasabay din nito layunin ng pagtakbo  ang maibalik ang Pasig River sa dati nitong kalinisan  na malaki ang posibilidad na makakamit sa tulong at pagpupunyagi ng mga samahan at foundations.

Hindi rin nagpahuli  ang  National Capital Region Police Office (NCRPO)  na nagdagdag pa ng kanyang puwersa na 2,500  mga miyembro ng pambansang pulisya sa mga lugar na daraanan ng mga tumatakbo.

Ilan sa mga dumalo sa event sina dating pangulong Fidel Ramos, Pinoy ring icon Manny Pacquiao, actor Piolo Pascual at marami pang iba.

Sa inisyal na impormasyon, umaabot sa 140,000 ang nakilahok sa programa.

Target kasi ng mga organizers na maitala ang event sa Guinness World Record, bilang pinakamaraming sumali sa isang takbuhan.

Ang awarding ceremony ay gagawin naman sa Mall of Asia sa lungsod ng Pasay.  Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply