1ST NPC chess tournament

Isang chess tournament  ang nakatakdang ganapin sa National Press Club sa Nobyembre 27 at 28 sa pagpapatuloy ng mga nakalinyang palaro ng NPC.

Nauna rito ay ginanap ang Badminton Tournament sa Ninoy Aquino Sports Center at susundan ito ng Freedom Run sa palibot ng Magallanes Drive at Muralla Street sa Oktubre 24.

Ang pangatlo ay ang First National Press Club Chess Tournament na lalaruin sa Plaridel Hall, NPC building. Bukas sa lahat  ng mamamahayag ang torneyo mula sa peryodiko, telebisyon at radyo at pawang mga amateur woodpushers ang makalalahok.

Ang palaro ay bilang paggunita sa mga mamamahayag na biktima ng Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Alinsunod kay NPC praesident Jerry S. Yap, libre sa lahat ng journalist ang paglahok sa kompetisyon na sasalang sa seven-round Swiss system na may tatlumpung minutong palugit kada manlalaro.

May naghihintay na premyong P5,000 sa tatanghaling kampeon, P4,000 sa second, P3,000 sa third placer, P2,000 sa fourth at P1,000 sa fifth. Ang pang-anim hanggang pang-sampung pwesto ay pagkakalooban ng tig P500.00, bukod pa sa karagdagang P500.00 sa top senior player at top female player.

Kinakailangang magharap ng katibayan ang mga journalist na magpapatala sa NPC secretariat.

Mangyaring hanapin si Ms. Fely Santos o si Mae Briones. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply