2 Celtics star nagsapakan

KINUMPIRMA kahapon ni Boston Celtics coach Doc Rivers na nagsapakan umano sina back-up guards Delonte West at Von Wafer matapos ang praktis nila kahapon.

Ayon kay Rivers, naayos naman agad ang gusot sa pagitan ng dalawa sa pamamagitan ng management.

“There was a fight, and that’s all you need to know,” ayon kay River bago ang laro nila laban sa New York Knicks. “I’m going to leave it alone, but obviously I’m not thrilled that it happened. Let’s talk about the Knicks.”

Tumanggi naman si Wafer na magkomento sa isyu bago ang laro hinggil sa sinabi nina Rivers at general manager Danny Ainge.

Ngunit binanggit niya sa Twitter page ang ganito, “I love my team, we are family,” subalit tumanggi siyang ginawa niya ito.

Habang isinusulat ito, hindi pa malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng sapakan ng dalawa.

Sa kanilang laro, natalo naman ng Celtics via 105-101 victory ang Knicks.

Samantala, ang New Jersey Nets ay umarangkada laban sa Sacramento Kings kahapon, 106-100 victory. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply