2 dalaginding nag-suicide

KAPWA pinaglalamayan ang dalawang dalagita matapos magpatiwakal dahil sa kani-kanyang problema sa Santiago City at lalawigan ng Cavite.

Nabatid na kinitil ni Maria Paula Tangaling, 15 anyos, residente ng Batal Santiago City ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver nitrate na panglinis ng alahas.

Pinaniniwalaang naging sanhi ng pagpapatiwakal ni Tangaling ang text messages ng kasintahan na tila nananakot na dinagdagan pa nang pagalitan siya ng kanyang lola.

Nagpatiwakal naman sa pamamagitan ng pagbibigti si Gladys Corsino, 17 anyos, residente ng Buenavista,  Santiago City, graduating student ng HRM sa Cavite State University sa lalawigan ng Cavite.

Dahil din sa sama ng loob ang pagpapatiwakal umano ni Corsino matapos na hindi na payagan ng kanyang amo sa Cavite na bumalik sa trabaho bilang working student.

Pinagbakasyon umano ng amo ang dalagita subalit  noong gabi bago ito bumalik sa bahay ng una sa Cavite ay tinawagan siya at inabisuhang huwag nang bumalik.

Labis umanong dinamdam ni Corsino ang sinabi ng amo dahil hindi na niya maipagpapatuloy ang pag-aaral. Verlin Cruz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply