2 dating sundalo arestado sa holdap

DAKIP ang dalawang dating tauhan ng Phil.Army na tinanggal sa serbisyo makaraang masamsaman ng mga baril at granada makaraang mangholdap at makipagbarilan sa Angono PNP, sa Rizal.

Sa report na ipinadala ni Supt. Ruel Vacarro kay Provincial Director Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto, ang mga nadakip ay sina Joseph Zaratan, 31, dismissed Phil.Army, naninirahan sa Nabato st., Bugalleon, Pangasinan at Ronilo Aranjuez Pingkian, 29, dismissed Phil. Army, tubong  Lapu-Lapu, Cebu,City, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal.

Naganap ang insidente dakong 2:20 kamakalawa ng hapon nang hinoldap ng mga suspek sina Fernando dela Cruz, 29, may-ari ng Maritony Softdrinks Dealer sa Gold st., Medalva Hills Subd. Brgy. San Isidro at Edylon Roan, 23, ng Villaluz st., Brgy. Kalayaan, nabanggit na bayan.

Lumitaw sa imbestigasiyon, na tinutukan ng baril ng mga suspek si dela Cruz subalit pumalag ito at nakuhang makipagbarilan sa mga suspek na nakatawag pansin sa mga kalapitbahay, kaya agad silang humingi ng tulong sa pulisya.

Nagsitakas ang mga suspek gamit ang isang motorsiklo (RO-1345), pagmamay-ari ni Edylon, hanggang sa masakote subalit bago mangyari iyon ay nakipagbarilan pa sa mga pulis ang mga ito kung kaya tinamaan si Zaratan sa leeg.

Nasamsam sa mga suspek ang kalibre ng baril na .9mm pistol, .45 caliber at isang granada.

Nakapiit na si Aranjuez sa Angono Municipal Jail at si Zaratan ay isinugod naman sa Rizal Medical Center. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply