2 holdaper laglag sa gasoline station

NANGHOLDAP ng isang gasoline station ang dalawang kalalakihan, na nasakote ng maagap na mga nagrespondeng kagawad ng Special Weapons and Tactics (SWAT) operatives kamakalawa ng gabi sa Northbay Boulevard South, Navotas City.

Kinilala ni Supt. Bernard Tambaoan ang mga naarestong suspek na  sina Rodolfo Gandecilla, 28, at Demetrio Romanggaya, 24, kapwa residente ng R-10, Sitio Santo Niño, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ni Joceca Roma, 18, cashier ng Caltex gasoline station, kay P03 Edwin Guzman, ganap na 8:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang  pangholdap.

Ayon kay Roma, kasalukuyang abala siya sa trabaho nang lumapit ang isa sa mga suspek na armado ng patalim at nagdeklara ng holdap, habang ang kasama ay nagsilbing lookout.

Madaliang kinuha ng isa sa mga suspek ang kinita ng gasoline station saka mabilis na nagsitakas sa hindi natukoy na direksiyon.

Kaagad na humingi ng tulong si Roma sa mga awtoridad.

Dahil sa mabilis na pagresponde nina SPO1 Ronelon Reyes at PO1 Aurtelito Galvez ay naaresto ang mga papatakas na holdaper.  Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply