2 katao patay sa ‘devil jeep’

NASAWI ang dalawang katao habang nasugatan naman ang lima pang kasamahan nila makaraang mabundol ng isang pampasaherong jeep sa Quezon City kahapon.

Ang mga biktimang nasawi ay sina Jeyffy Pelipel, 31, binata at Primitivo Tiedra, 40, factory worker, pawang residente ng 756 Brgy. Kaunlaran ng nasabing lungsod.

Ang mga sugatan naman at ipinasok sa Quezon City Memorial Medical Center ay sina: Arsenio Jamin, 23; Delicia Madeloso, 34; Rommel Pilande, 40; Laila Mondejar, 40; at Alvin Pilande, 24, pawang naninirahan din sa naturang barangay.

Ayon kay PO3 Perlito Datu, si Pelipel ay agad na nasawi sa pinanghayarihan ng insidente, habang si Tiedra ay idineklarang dead-on-arrival sa QCMMC.

Nakapiit sa Traffic Sector 4 ng Quezon City Police ang driver ng nakabanggang jeepney na si Cesar Alicaway Jr., 24.

Ayon sa pagsisiyasat, dakong 9:10 ng gabi nang naganap ang insidente sa kahabaan ng  Aurora Blvd., malapit sa Manga road sa harap ng bahay ng mga biktima.

Mabilis umanong binabaybay ng pampasaherong jeep, na may plakang TWU-449 at minamaneho ni Alicaway, ang Aurora Blvd. galing sa Maynila patungong Edsa .

Pagsapit sa Manga Road ay nawalan si Alicaway ng kontrol sa manibela hanggang sa mataranta ang suspek at hindi na nagawang magpreno.

Bumangga ang sasakyan at kinaladkad ang mga nakaistambay  na biktima. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply