2 mangingisda nalambat dahil sa pampasabog

NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police – National Capital Region (PNP-NCR) Maritime Group ang dalawang mangingisdang  naaktuhan at nahulihan ng improvised explosives na gamit sa iligal na pangingisda sa Navotas City.

Kinilala ni Supt. Nepumoceno Corpus ang mga suspek na sina Ronaldo Mahinay, 28, at Marvin Amaro, 24, kapwa residente ng Brgy. Kapunitan, Orion, Bataan.

Narekober mula sa mga suspek ang mga home-made na bomba gaya ng pulbura at mitsa na isinuksok sa bote ng softdrinks.

Ayon kay PO3 Marciano Bogart, kasalukuyan nagpapatrolya ang mga pulis sa Manila Bay na nasasakupan ng baybaying-dagat nang mamataan ang kahina-hinalang kilos ng dalawang suspek na dumayo pa sa Navotas mula sa Bataan.

Sinita umano ng awtoridad ang mga ito at natagpuan ang mga bomba sa bangka nila.

Nahaharap sa kasong Illegal Fishing at Illegal Possession ang dalawang naturang mangingisda. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply