2 pugante tiklo nang dumalaw sa patay

HINDI na nakaligtas pasa mga awtoridad ang dalawang wanted na matagal ng pinaghahanap ng batas sa kasong rape at attempted rape matapos na ang mga ito ay bumalik sa kanilang tahanan para gunitain ang Araw ng mga Patay sa Marikina City.

Kinilala ni Sr. Supt. Romeo Magsalos, Chief of Police ang mga nadakip ay sina Danny Aruta, 33, ng Purok-2, Malaya St; at John Lester Josef, 21, binata, na naninirahan sa 578 J. P. Rizal St. Lamuan, Brgy. Malanday sa nabanggit na lungsod.

Naunang nadakip ng warrant section ng Marikina PNP si Josef bandang 9:00 ng umaga sa JP Rizal st. sa bisa ng warrant of arrest na
ipinalabas ni Judge Felix P. Reyes ng RTC-Branch-272 na may criminal case No.10-12471-MK.

Makalipas ang ilang minuto ay nadakip naman si Aruta sa Purok-2, Malaya st. sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Anjanette N. De Leon-Ortila ng Branch-156 na may criminal case No.2010-12105 sa kahalintulad ding kaso.

Ang dalawang pugante ay may kasong  pang-aabuso at panggagahasa sa  2 nilang nabiktima na hindi na binanggit ang mga pangalan. Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply