2 salvage victim natagpuan

NAKAHANDUSAY at wala nang buhay ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihilang mga biktima ng salvage sa Caloocan City.

Ang mga biktima ay may taas na 5’8” at 5’4”, pawang nakasuot ng t-shirt na asul at maong na short.

Sa ulat, dakong 5:40 ng madaling araw nang matagpuan ng isang residente ang dalawang bangkay sa Capalaran Village, Camarin, ng naturang lungsod.

Lumalabas sa pagsisiyasat, na ang unang biktima ay may tama ng bala sa ulo at may nakasukbit pang kalibre .38 na baril, habang ang isa naman ay pinatay sa sakal.

Nakuha rin sa bangkay ng mga biktima ang isang bag na itim na may lamang DVD player, speaker at mga t-shirt.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply