2 swindler nalambat ng CIDG

HUMIHIMAS ng rehas na bakal ang dalawang miyembro ng Swindling Group na kumikilos sa iba’t ibang lugar sa buong Metro Manila.

Kinilala ni Anti Organized Crime Division Chief Police Sr. Supt. Ronald Estilles ang dalawang naaresto na sina Emmanuel Salvador, 25 anyos, residente ng Lopez Village, Sucat, Parangaque City at Pedro Loveriza, 33 anyos, ng Westmont Village, ng naturan ding lungsod.

Batay sa reklamo ng Enigma Technologies PC Hardware ginagaya ng naturang grupo ang kanilang mga resibo o purchase order upang makapagbenta ng mga mamahaling computer sa ilang mga negosyante.

Napag-alaman na ang ginagawang modus operandi ng dalawang suspek ay magbebenta ng mga mamahaling laptop kung saan ang ID  at mga resibo ang ginagamit subalit kapag nakapagbayad na ang mga biktima ay hindi na sila nagpapakita.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang tatlong unit ng laptop computer upang ipang-demo sa mga bibiktimahin.

Pormal na sinampahan ng kasong estafa ang mga suspek at mariin ang panawagan ng CIDG sa mga nabiktima na magtungo sa AOCD Criminal Investigation and Detection Group. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply