2 traffic enforcer bugbog sarado sa pasahero

PINAGTULUNGANG bugbugin ang dalawang traffic enforcer ng  dalawang nairitang pasahero matapos hulihin ang isang bus driver dahil sa traffic violation, sa C4 road, Navotas City.

Kinilala ang mga biktima na sina Alvin Garcia, 36, at Noli Jose Belen, 36, pawang kawani ng Public Order and Safety  Office.

Ang mga suspek na pormal sinampahan ng kaso ay nakilalang sina Reynan Matias at Eduardo Arnaiz, pawang nasa hustong taon gulang,  residente ng 100 interior Bagumbayan South, ng nasabing lungsod.

Base sa imbestgasyon ni PO1 Edgardo Valera, ganap na alas 7:00 kamakalawa ng umaga, nang maganap ang  insidente sa tapat ng waiting shade, sa C4 road.

Hinuli ng mga traffic enforcers ang isang James Fimbo, driver ng MGP bus, na may plakang TGG-934, sa  kasong no loading and unloading.

Habang tinitikitan ang driver,  nakialam ang mga suspek  na lasing at agad sinapak sa mukha si Belen at nagpakawala din ng suntok ang kasama nitong si Arnaiz.

Sumaklolo naman si Garcia sa kasamahan  pero agad din itong nakatanggap ng sapak sa mga suspek.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek at pormal ng sinampahan ng kaso. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply