3 holdaper nalambat

KULUNGAN ang inabot ng  isang lalaki matapos holdapin ang isang binatilyong agad humingi ng tulong sa mga tanod sa Navotas City.
Nakilala ang suspek na si Mark Buhay, 24, ng Dama de Noche, San Roque ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 7:40 ng gabi, bibili sana ng tinapay ang 17-anyos na biktima, na nakilala lang sa alyas Mac-Mac, sa tindahan nang harangin ng suspek, na agad nagtutok ng icepick sa tagiliran ng biktima. Kinuha ng suspek ang Nokia 6300 ng biktima bago tumakas. Agad namang  nakahingi ng tulong ang binatilyo sa mga barangay tanod.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek, subalit hindi na natagpuan ang cellphone ng biktima.

Samantala, humihimas rin ng rehas na bakal ang dalawang holdaper nang mangholdap na gamit ang baril-barilan at screwdriver sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jayson Curuson, 19, at Boyet (di totoong pangalan), 17.

Batay sa ulat, dakong alas-dos ng madaling araw, naglalakad ang mga biktimang sina Christian Santiago, 17, at Alejandro Antido, 19, sa A. Mabini st., Sangandaan nang lapitan ng mga suspek at tutukan ng  Magnum .357 at screwdriver.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng mga biktima bago nagsitakas subalit nakahingi ng tulong sa pulisya ang mga hinoldap na naging dahilan nang pagkakahuli sa mga ito. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply