3 holdaper patay sa engkuwentro

TATLONG holdaper ang napatay habang tatlong kasamahan ng mga ito ang nakatakas makaraang makipagbarilan sa tropa ng pulisya nang maabutan palabas sa Read and Brew Coffee Shop sa Quezon City kagabi.

Dead-on-the-spot ang tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan, habang tinutugis pa ng mga pulis ang tatlong iba pang nakatakas.

Sa ulat ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) Karingal, naganap ang insidente pasado 8:30 kagabi sa Omega st. corner Regalado Avenue sa Brgy. North Fairview.

Nauna rito, nilooban ng anim ang nasabing establisimyento na pag-aari ni Angie Lee Palmera at natangay dito ang ilang mamahaling gamit.

Lumitaw sa imbestigasyon na nasabat ng mga awtoridad ang mga suspek nang palabas na ito mula sa gusali. Nang makita ang mga awtoridad ay agad umanong nagpaputok ang mga suspek kaya’t napilitang gumanti ang mga operatiba.

Tinamaan ang tatlo sa mga suspek, na agad namatay.

Nagawang tumakas ng tatlo pa tangay ang mga mamahaling gamit. Natangay ng mga suspek sa biktimang si Wilfredo Antonio ang isang laptop, cell phone, wallet at P300 cash money. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply