3 sama ng panahon nagbabanta

TATLONG low pressure area (LPA) o sama ng panahon ang nagbabanta sa bansa at isa rito ay nasa labas pa ng Pilipinas, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, ang dalawang LPA na maaaring maging ganap na bagyo ay nasa loob na ng bansa.

Kahapon ng umaga, ang isang LPA ay namataan ng Pagasa sa layong 200 kilometro Hilaga ng Puerto Prince sa Palawan habang ang isa ay namataan sa layong 800 kilometro ng Silangan ng Visayas.

Binigyang diin ni Juanito Galang, weather forecaster n Pagasa na kailangan pa nila ang patuloy na pagsubaybay sa loob ng 24 oras upang tuluyang madetermina ang naturang mga LPA,  lalo  sa Visayas kung ganap ba na magiging bagyo ang mga ito. Ang una sa tatlong  LPA ay tatawaging Juan.

Bunsod nito, ang  Central at Southern Luzon gayundin ang  Visayas at  Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may paminsan-minsang pag-uulan, lalo na sa hapon o gabi.  Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply