3 sparmates dinugo kay Pacquiao

MULING napabilib si Top Rank promoter Bob Arum kay pound-for-pound king Manny Pacquiao matapos bugbugin sa harap niya mismo ang tatlong sparring partners.

Nang matapos ang maaksiyong rounds, lumabas si Glen Tapia ng ring na duguan ang ilong nang makipagsabayan sa Pambansang Kamao sa Shape Up gym sa loob ng Cooyesan Hotel sa Baguio City.

Kapwa rin niyanig ni Pacman sina Mexican boxer Michael Medina at Amir Khan, ang kasalukuyang World Boxing Association (WBA) light-welterweight champion.

“Dumugo ang ilong niya,” pahayag ni Filipino assistant trainer Nonoy Neri tungkol kay Tapia.

Pinanood mismo ni Arum ang pagsalang ng tatlo sa sparring session kasama si Pacman kamakalawa at si trainer Freddie Roach na tinukoy nilang pinakamabagsik ng huling dalawang linggo ng kanilang pagsasanay sa syudad bilang bahagi ng paghahanda sa laban  kontra kay Mexican Antonio Margarito sa Nob. 14.

Subalit,  sinabi naman ni Arum sa mga fans na nanonood na kung idaraos sa Sabado ang laban ay magwawagi si Margarito.

Idinagdag pa ng 78-year-old veteran promoter na kinailangang dalhin lahat ni Pacman ang lahat ng kanyang sandata upang matalo ang 5-foot-11 na si Margarito na isang two-time world champion. Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply