3 sundalo todas sa NPA ‘Undas’ attack

PATAY ang tatlong sundalo at tatlo pang kagawad ng Philippine Army 41st Infantry Battalion ang  nasu-gatan nang tambangan ng mga rebeldeng New Peo-ple’s Army sa Abra.

Matapos maliitin ang puwersa ng makakaliwang grupo, nagpakitang gilas ang mga rebelde at sa kanilang pag-atake ay nagbuwis ng buhay sina Private First Class Phillip Balonggay, PFC Joel Soria, tubong Barangay Que-zon, Naguillian, Isabela at PFC Onofrey Duca habang nasugatan sina Corporal William Gonzales, PFC Ronald Siason at PFC Celso Qui-lang, pawang kasapi ng 41st Infantry Battalion.

Ayon kay Army Ltcol. Loreto C. Mangundayao, spokesman ng AFP 5th Infantry Division, naganap ang pananambang sa pulutong ng Army 41st IB dakong alas 5:00 ng madaling araw kamakalawa sa bahagi ng Sitio Pasikad, Barangay Bunglo, Licuan-baay, Abra.

Sa pahayag ni Mangun-dayao, nagsasagawa ng security patrol operation kaug-nay sa Araw ng mga Patay ang tropa ng 41st Infantry Battalion nang ambusin ng hindi pa natiyak na bilang ng mga rebelde.

Sinabi pa ni Mangundayao na pinangunahan ni  Cpl. Gonzales mula sa 41st Infantry Brigade at 1st Infantry Division ang tropa ng pamahalaan na nagpatrulya sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, tinambangan din ng mga NPA ang dalawang reinforcement group na pinangunahan nina Capt. Tayaban at 1Lt. Capo-quian sa Sitio Pasikad.

Magugunitang minaliit ng AFP ang bantang All Saint’s Day at All Souls day attack ng CPP-NPA.

Sisiw lamang umano sa AFP ang bantang mga pag-atake ng NPA partikular na sa mga lugar na itinuturing nilang balwarte sa bansa na posibleng isabay sa paggunita sa Todos los Santos. Verlin Cruz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply