4 na OFW nabawi mula sa human traffickers

NAPIGILAN ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na overseas Filipino workers (OFW) na pawang biktima ng human trafficking at illegal recruitment na nakatakda sanang sumakay sa eroplano patungong Bangkok, Thailand sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BI officer-in-charge (OIC) Ronaldo Ledesma, ang apat na mga OFW ay nabisto ng immigration officer nang hanapin sa secondary inspection ng paliparan ang mga dokumento.

Tumanggi namang magbigay ang opisyal ng pangalan ng nabanggit na mga OFWs dahil pawang mga biktima lamang ang mga ito ng sindikato ng human trafficking.

Aniya, walang maipakitang kaukulang dokumento at clearance mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga biktima, bilang proteksyon habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply