6 na Pinoy huli sa paggamit ng nakaw na credit card sa Macau

ARESTADO ang anim na Pinoy na itinurong sangkot sa pagbili at paggamit ng mga nakaw na numero ng credit card at laptop na may internet connection sa Macau.

Ayon sa konsulado ng Pilipinas sa Macau, ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod sa ulat ng mga bangko sa Macau na ilan sa kliyente ay nagreklamo na ginamit ang kanilang credit card sa pagbili ng mga tickets.

Nabatid pa sa ulat na HK$300,000 ang nakuha sa kanilang mga credit card.

Ang apat na naaresto na may edad 23-35 anyos ay mga empleyado sa isang hotel bilang chef at service attendants. Ang dalawa pa ay walang trabaho at iligal na ang status ng visa.

Ayon sa mga awtoridad, ginamit ng mga suspek ang mga impormasyon mula sa credit cards galing sa mga hotel at shopping center.
Natuklasan ng pulisya  na ang mga suspek ang mga nagmamay-ari ng laptop computer.

Itinanggi naman ng mga akusado na hindi  pa pinangalanan, ang nasabing akusasyon.  Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply