6 Pinoy patay sa plane crash sa Afghanistan

NASAWI ang anim na Filipino a matapos  bumagsak sa Kabul, Afghanistan ang sinasakyang cargo plane na pag-aari ng isang kumpanyang Amerikano.

Ayon sa local aviation officials, lulan ng eroplanong C-130 ang mga supplies para sa NATO forces sa Afghanistan.

Kalilipad pa lang ng eroplano mula sa Bagram military base at patungo sa Kabul, pero biglang nawala ito sa radar.

Inihayag ni Mohammad Yaqoob Rasouli, direktor ng Kabul International Airport, na nakita na lamang ng control tower na may lumiyab at biglang bumagsak ang eroplano.

Nasawi ang walong miyembro ng crew ng eroplano kabilang ang anim na Pinoy, isang Kenyan at isang Indian national.

Inihayag ni Nangyalai Qalatwal, spokesman ng Afghan Ministry of Transport and Civil Aviation, na walang nakaligtas sa mga nakasakay sa eroplano. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply