76ers ginulat ni Shaq

GINULAT ni Shaquille O’Neal ang katunggali ng Boston Celtics, defending Eastern Conference champions,  matapos gibain sa pamamagitan ng 93-65 victory ang Philadelphia 76ers kahapon sa unang pagsa-lang niya sa koponan.

Si Ray Allen ang nanguna sa Boston taglay ang 14 points, kabilang na rito ang dalawang 3-pointers, habang sina Glen ‘Big Baby’ Davis at Semih Erden ay kapwa nakadale ng tig-13 points.

Ngunit ang debut ni “The Diesel’s Debut” ang nagnakaw ng atensiyon.

Ikinatuwa naman ni Shaq ang nangyari dahil parang hindi umano siya bago sa grupo.

Maging si Celtics coach Doc Rivers gayundin sina Allen at Paul Pierce ay nabigla sa nangyari.

“I didn’t really know what to expect,” pahayag ni Rivers. “Our defense was phenomenal.”

Una nang pinalagda ng Celtics si O’Neal gayundin ang mga mababangis na sina Jermaine O’Neal at Delonte West na umaasang makakakuha ng panalo sa kampeonato.

Sumangkal ang grupo sa puwersa nina Kevin Garnett, Pierce at Allen kahit may edad na ang mga ito. Ginamit nila ang kanilang karanasan laban sa kalaban.

Samantala, kahapon ay nabatid naman na ang Detroit Pistons ay nalagasan ng isang player matapos na magkaroon ng pinsala sa right Achilles’ tendon si forward Jonas Jerebko habang si guard Terrico White ay nabasagan ng kanang paa.

Problema ngayon ng grupo ang puwersa nila dahil mawawala si Jerebko ng anim na buwan habang si White ay aalamin pa lamang kung kailan muling makakasabak sa laro.

Kasabay nito, si NBA commissioner David Stern ay nangako sa Brazilian fans na magsasagawa sila roon ng laro at dadalhin ang mga magagaling na NBA players.

Inanunsiyo ng NBA official na mangyayari umano ito bago ang 2014 World Cup na tiyak na ikatutuwa ng maraming fans doon.  Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply