8-way tie sa PACE Open

NAUWI sa tabla ang laban ni super grandmaster Wesley So laban kay many-time national junior contender IM Rolando Nolte matapos ang fifth round ng PACE Tuguegarao Open Chess festival kahapon sa Tuguegarao,

May parehong puntos (4.5) sina So, nagdiwang ng kanyang ika-17 taon sa opening day noong Sabado at Nolte matapos ang 23 moves ng Gruenfeld.

Kasama nila So at Nolte sa liderato sina no.2 seeded GMs Joey Antonio, John Paul Gomez at Darwin Laylo, IM Oliver Barbosa, NMs Roland Llavanez at Merbin Roque.

Naghati ng puntos sina Antonio at Barbosa sa 22 sulungan ng sicilian, draw din si Laylo kay Llavanes sa 37 moves ng king’s indian defense habang pinisak ni Gomez si Mark Joseph Turqueza matapos maubusan ng oras ang huli.

Ang nasabing prestihiyosong event ay may seven round swiss system kung saan may nakalaang prize fund na P100, 000 na inisponsoran ng Compuserve Land Surveying Company of Engineers Abraham Cuaresma at A-Bee’z Express Travel and Tours ni Ma. Theresa Cuaresma.

Sina So, Gomez at Laylo, ay mga miyembro ng national team na lumaro sa katatapos na World Chess Olympiad sa Russia

Samantala, nakikipagsabayan din si RP women’s team member sa katatapos na world chess olympiad Rulp Ylem Jose sa open division matapos payukuin si Jay Nuez upang itarak ang 4.0 puntos at umakyat sa ninth to 15th places.

Kinailanagn lamang ng 16th seeded Jose ng 30 moves ng slav upang manatili sa kontensyon para sa P20,000 top prize.

Sa opening day nagkaroon ng simultenous sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre at former national junior ruler Yves Rañola at kahapon nagsagawa naman ng chess clinic ang huli sa mga bata upang suklian ng PACE president GM Jayson Gonzales ang maiinit ng pagtanggap ng mga taga Tuguegarao.

“I’m very thankful to all the people of Cagayanos who supported our event especially to our sponsors (Cuaresma couple).” Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply