ABS-CBN dinadaga sa bagong shows ni Willie

MARAMI ang sumimangot  sa Temporary Restraining Order na hiniling ng ABS-CBN para di matuloy ang October Launch ng dalawang bagong-bagong show ni Willie Revillame: ang  Wiling Willie at Born to be Star.

Nagtataka ako rito sa ABS-CBN kung bakit kailangan pa nilang humingi ng TRO kung kumpiyansa sila na kaya nilang banggain ang ratings-wise ng show ng dati nilang top-drawer na si Willie  (hindi kaya ito na yung sign of insecurity?) Hehehe.

Tutal pinadidismis na rin ni Willie  ang TRO plea ng ABS-CBN dahil nabigo raw ito na ipakita na magkakaroon ng malaking pinsala sa network ang bagong shows ng dati nilang talent. Sa totoo lang, simula nang mawala ang noon time game show ni Willie sa ABS-CBN ay sumemplang ang ratings nito. Ang masakit pa nito, yung mga ipinalit sa Wowowee ni Willie gaya ng Pilipinas Win na Win na ipinanapat  sa ibang shows ay puro sumemplang din.

Dapat nga lang na matakot ang ABS-CBN dahil aasahan na natin na susundan ng milyong-milyong  fans si Willie saan man siya  pumunta. Sa mosyon ni Willie sa Branch 84 ng RTC-QC, binigyan diin ni Willie na siya pa nga ang naagrabiyado talaga. Nais raw kasi ng ABS-CBN na itali siya sa kontrata niya bilang Wowowee host hanggang Sept. 10, 2011 gayung kinansela na ng network ang noon time game show. Aniya, nang kanselahin ng ABS-CBN ang Wowowee, kinansela na rin nito ang kanyang kontrata at kung kanselado na ang kanyang kontrata bilang host e di malaya na siyang lumabas sa TV5.

Premature rin ang TRO plea  ayon kay Willie dahil nauna nang isinampa niya sa naturang korte ang kanyang petisyon para mabigyan ng judicial confirmation ang kanselasyon ng kanyang kontrata with ABS-CBN. Kaya kung game ang ABS-CBN, hindi nito hahadlangan pa ang  paglabas ni Willie sa TV 5. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply