AFP, PNP inutil sa “kidnapping”

KINASTIGO kahapon ng isang senador ang kainutilan ng military at pulisya sa pagsugpo sa kidnapping matapos mabuhay muli ang Pentagon Gang na dumukot sa isang negosyante at ikinamatay ng dalawang katao.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, dinukot nang pinaghihinalaang miyembro ng Pentagon Gang ang isang Conchita Tan malapit sa kanyang tahanan sa Brgy. Rosary Heights na anim na armadong kalalakihan na nakilalang Pentagon Gang, isang Mindanao-based grupong kriminal na dumudukot sa mayayaman.

Napatay naman sa insidente na naganap noong Biyernes ang bodyguard ni Tan na si Edward Doruelo na binalak nitong pigilan ang pagdukot kabilang ang driver nitong si Richard Emberga.

Ayon kay Escudero, chairman ng Senate committee on national defense and security na masyadong makupad at inutil ang pangangalap ng intelligence ng pulisya at militar upang mamonitor ang aktibidad ng iba’t ibang grupong kriminal ang siyang nagbuhay sa elementong kriminal na maghasik ng karahasan at mandukot ng lokal na residente.

Hinikayat ni Escudero ang pulisya at militar na paigtingin ang  visibility sa lugar at pahusayin ang pangangalap ng intelihensiya para kontrahin ang insurhensiya at mga bandido..

“Terror knows no time, in the same manner that peace and security knows none either. Peace and security should reign all the time, let no one disrupt it. I urge our uniformed personnel and officers that there should be no let up in running after the kidnappers of Mrs. Tan and at the same time protect the locals from getting harassed and victimized by these bandits,” giit ni Escudero. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply