AFP rebs sinagip ng Palasyo

NILAGDAAN na ni Pangulong Aquino ang proklamasyon para sa amnestiya ng ilang Magdalo soldiers na kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes.

Iyon nga lamang ay kailangan na lamang ng concurrence ng Kongreso bago maging ganap na epektibo ang nasabing proklamasyon.

Sinasabing sakop ng proklamasyon maging ang mga sundalong nasangkot sa tinaguriang Oakwood incident noong July 27, 2003 at Marine standoff na nangyari noong February 26,2006.

Sa ulat, ang mga nasabing sundalo ay bahagi ng nabigong kudeta noong administrasyon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kamakailan ay nakipagpulong na ang Chief Executive sa 15 kasapi ng Magdalo kung saan kasama sa meeting ay sina Lt. Sr. Grade James Layug, Capt. Gary Alejano, Lt. Ashley Asedillo at Defense Sec. Voltaire Gazmin.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda na bagama’t bibigyan ng amnestiya ang mga nagrebeldeng sundalo ay malabo nang makabalik pa ang mga ito sa serbisyo.

Layunin nito na magkaroon ng distinction sa mga loyal soldiers at hindi magdulot ng demoralisasyon sa kanilang hanay. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply