Aktres, umaming naka-hair extension sa shampoo commercial

KAPANSIN-PANSIN sa ilang shampoo endorser na nakikita sa TV screen o sa billboard na makapal ang buhok na talaga namang understandable dahil kailangan makapal tingnan ang buhok ng endorser.  May ibang nagsasabi na may magic sa kanilang pinapanood dahil kung nakikita nila ang endorser ay hindi naman kakapalan ang buhok.

Mayroon kasi silang napapanood na celebrity endorser na ang kapal ng buhok sa kanyang shampoo TV commercial pero pagdating sa personal ay medyo di naman daw ito kakapalan at maigsi pa samantalang kitang- kita sa kanyang TV commercial na maliban makapal itong tingnan ay hanggang bewyang pa ito.

Napaniwala kami sa tsika nang isang endorser ng shampoo ang nag-reveal mismo na gumamit siya ng hair extension.  Kung nakikita siyang hanggang waistline ang kanyang buhok sa tunay na buhay ay hanggang leeg lang daw ito.  “Naku, huwag mong isulat ito ha, magagalit sa akin ang taga-shampoo he he he.  Pero totoo naman talaga na nag-hair extension ako, yung kasi ang kailangan dahil shampoo kasi ang ini-endorse ko.”

KOMUNIKASYON NINA RUFFA, JOHN LLOYD TULOY

Siguradong ikakawindang ni Shaina Magdayao na hindi naniniwalang may komyunikasyon sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez hanggang ngayon dahil hindi man deretsahang inamin ni Ruffa ay nandoon ‘yung ‘lead’ na totoong nag-uusap pa rin sila ng aktor.

Kung napanood sana ni Shaina ang pinakahuling episode ng Paparazzi kung saan inilaglag na naman ni Mo Twister si Ruffa kaya walang nagawa ng pobre kundi ang umaming magkaibigan pa rin sila ngayon ng dating karelasyon. Tiyak na ikakaloka ito ni Shaina na nagteteksan at nag-uusap sa pamamagitang ng mobile phone ang dalawa.

Kaya lang, parang ayaw magpaapekto si Shaina dahil naniniwala siyang iniintriga lang sila ng karelasyong actor.  Aniya, hanggang hindi nagmula sa bibig ni Ruffa na talagang may komyunikasyon sila ng kanyang syotang aktor ay hindi niya paniniwalaan ang mga balitang nakarating sa kanya.  Wala silang pagkakataong mag-usap nang harapan dahil naniniwala siyang in bad taste para sa dalawang babae ang pagdiskusyunan ang isang lalaki.

SELINA SEVILLA, URING-SULONG SA PETSA NG KASAL

Busy as bee ngayon ang drama ni Selina Sevilla dahil sa pagpo-promote ng kanyang concert sa Metro Concert Bar, ang ‘Hot Mama … Like A Virgin” ngayong October 9, Sabado. Muntik-muntikan na siyang hindi nakaabot sa aming radio program, ang ‘Showbiz Na Showbiz’ over DZME 1530 noong Wednesday.

Mapagpaniwala pala silang dalawa ni Lalen Calayan, ang kanyang fiance sa ‘punsoy.’ Noong pinaplano pa nila pagpapakasal ay buwan ng December ang kanilang napili pero dahil medyo gahol ito sa oras ay napagdesisyunan nilang gawin ito sa buwang ng Pebrero.

Kaya lang muling ibinalik nila sa dating petsa dahil hindi umano pabor ang Araw ng Puso sa kanilang pagpapakasal dahil kulang petsa ng buwan at hindi daw magiging matagumpay ang kanilang pagsasama. Kaya naman, ibinalik nila ang kasal sa December dahil month of prosperity daw ito at tulad ng dating plano, dalawang beses silang ikakasal, dito sa atin at sa America. Pati ang gagawa ng kanyang wedding gown ay si  Dina Bartolome Joson pa rin ng House of Magdalene. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply