Akyat Bahay sumalakay

TINATAYANG aabot sa halagang P6 milyon ang natangay mula sa isang frozen meat vendor matapos pasukin ng isang Akyat-Bahay Gang ang tahanan ng biktima habang nasa outing ito kasama ang pamilya kahapon ng umaga.

Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section (MPD-TRS) ang biktimang si Danilo Cerie, 38, ng 1656 Prudencia st., Dagupan, Tondo,  Maynila.

Sa ulat ni PO1 Dexter de la Paz, dakong alas-otso ng umaga nang madiskubre ni Cerie na bukas ang sliding window ng bahay nila at wala na ang P400,000 cash at P200,000 halaga ng mga alahas na nasa loob ng bahay.

Ayon sa biktima, nagtungo sila sa Laguna kamakalawa ng gabi para sa isang “outing,” subalit isang tawag ang natanggap na nagpapauwi sa kanya dahil pinasok ng mga magnanakaw ang kanilang bahay.

Nabatid sa 5-anyos na pamangkin ng biktima, na may nakita itong  dalawang lalaki na pumanhik sa bahay armado ng kutsilyo at .45 kalibreng baril.

Hinala naman ng biktima na maaaring tagaroon lamang ang mga suspek na nanloob at sinamantala ang pag-alis ng biktima at mga kapamilya nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply