Akyat-bahay sumalakay

UMABOT sa 1.5 milyong halaga ng alahas at salapi ang nakulimbat sa isang negosyanteng Tsinoy matapos puwersahang looban ang tahanan sa Quezon City nito ng hinihinalang ng Akyat Bahay Gang.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alma Lorriene Uy, 50, dalaga, ng Lot 21, Steve st., Brgy. Commonwealth sa nasabing lungsod .

Si Uy ay personal na dumulog sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City POlice para magreklamo.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Neil Garnace, may hawak ng kaso, natuklasan ang pagkawala ng pera at alahas ng biktima ganap na alas-siyete ng gabi.

Ayon sa biktima, laking gulat niya nang tumambad ang mga nakasambulat na gamit at sirang pintuan ng silid nang magising siya mula sa pagkakatulog.

Dahil dito, kaagad na tinungo niya ang pinaglalagyan ng mga alahas at pera sa isang leather bag kung saan ay nawawala na ito.

Kasunod ay ipinaalam ito sa may ari ng bahay na si Belen Teves nang matuklasan ang nasabing pagkawala ng kanyang pera at gamit.

Natangay sa biktima ang $20,000, iba’t ibang klase ng relos na nagkakahalaga ng P800,000, isang set ng alahas, dalawang cellular phone at mga credit card. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply