Alalay ng gobyerno sa pahirap na K+12 nasaan?

NASAAN ang alalay ng gobyerno, ng Department of Education lalo na, sa mga mag-aaral at magulang ng mga ito kaugnay ng programang K=12??

Nagtatanong tayo, mga Bro, dahil sa K+12 o 13 taong pag-aaral na nais ng pamahalaan na ipapapasan sa mga mag-aaral at sa kanilang mga magulang.

Maraming paliwanag ang DepEd sa bentahe ng ganitong sistema.

Una, maku-qualify umano ang mga kabataan sa mga trabaho sa loob at labas ng bansa  dahil hindi na menor de edad ang Junior High School. Ikalawa, pupuwede na silang pumasok sa kontrata sa negosyo, pag-aaral at iba pa na giya sa kanilang pag-unlad. Ikatlo, higit silang maging handa sa pagkuha ng mga kursong pangkolehiyo.

Katanggap-tangap ang mga ito, mga Bro.

Sa kabilang banda, sinasabing ngayon pa lang ay nasa 40% na ang hindi nakatatapos ng high school mula sa 12-13 milyong nagmumula sa elementarya. Kapag dinagdagan ng tatlong taon na K at JHS  ang  basic education, tiyak na darami pa ang bilang ng mga hindi makaga-graduate ng high school,  may mababang pinag-aralan na magiging  istambay.

Sa milyones ba namang magulang na walang kakayanang pumasan ng sistemang yan.

Kapag nakatapos nga sila ng JHS, sino ang may sabing magkakaroon sila ng magandang trabaho?  Hindi ba alam nina DepEd Secretary Armin Luistro na halos sahod ng boy o nasa P2,000-P3,000 lang sa isang buwan ang tinatanggap ng mga obrero sa mga manukan, piggery, tubuhan at pangisdaan?

Yang kontraktuwalisasyon o 5-6 buwan lang na trabaho sa mga pabrika, opisina at call center at maiistambay ka ng kung ilang buwan o taon bago ka maka-hanap ng trabaho, alam kaya nina Luistro?

Kung ano ang puno siya ang bunga. Kung pinagsama mo sa school ang bobong teacher at mahirap at nagugutom na mag-aaral, sino ang may sabing magbubunga ito ng higit na katalinuhan at kahandaan para sa kolehiyo?

Ngayon, kung hindi paa-awat sina Luistro sa kanilang ilusyon na gagawing K+12 ang basic education, nasaan ang tulong nila para sa baon, pamasahe, uniporme, gastos sa project at field trip at iba pa para sa dagdag na tatlong taon?

Nasaan ang tulong nila laban sa bobong teacher, sa mababang pasahod, sa kontraktuwalisasyon, sa kahirapan ng higit na nakararami sa 90 milyong Filipino?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply