Allowance ng mga titser pinadagdagan

UMAPELA  kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa Malacañang na dagdagan ang pondong ilalaan sa mga guro ng magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) at Board of Election Tellers (BETs).

Batay sa orihinal na plano, bibigyan ang mga guro ng P1,500 bawat isa para sa pagtatrabaho sa araw ng halalan.

Sinabi ni  Comelec Chairman Jose Melo, dinagdagan nila ito ng P1,000 mula sa pondo ng Comelec, pero umaangal pa rin ang mga guro dahil sa maliit ito kumpara sa ibinigay na kompensasyon noong nakaraang May 10 national and local elections.

Giit ng mga guro, mas mahirap ang kanilang trabaho ngayon dahil balik mano-mano ang proseso ng halalan.

Dahil dito, humingi na ng tulong si Melo sa Malakanyang para dagdagan ang magiging honorarium sa mga gurong aakto bilang BEIs at BETs. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply