Amir Khan sunod na makaka-spar ni Paquiao

Habang wala pa sa bansa ang pangunahing sparring partner ni WBO welterweight Manny Pacquiao na si Julio Cesar Chavez Jr., mas mauunang darating sa Pilipinas ang isa pang paboritong ka-sparring ng pound-for-pound king.

Si WBA junior welterweight champion Amir Khan ay inaasahang nasa bansa sa mga susunod na araw para humalili sa dalawang sparring partners ni Pacman na si Michael Medina at Glen Tapia.

Inihayag ni Khan sa kaniyang Twitter account na nakatakda siyang lumipad patungong Pilipinas para makasama sina trainer Freddie Roach at conditioning coach Alex Ariza.

“I’m flying out to Philippines tomorrow. I will be training with Freddie and Alex alongside Manny Pacquiao,” sambit ni Khan sa kaniyang personal Twitter account.

Si Khan ay matagal ng nasa Wild Card Gym sa California kung saan naghahanda rin siya sa kaniyang title defense sa December 12 laban kay Marcos Maidana sa Mandalay Bay Resort sa Las Vegas, Nevada.

Samantala, ngayong araw naman ipinagpatuloy ni Pacquiao ang kanyang sparring sessions bilang paghahanda sa November 14 fight kay Antonio Margarito.

Ang Pacquiao-Margarito bout ay gagawin sa Dallas Cowboys Stadium, Arlington, Dallas, Texas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply