Amnestiya dapat igalang

MARAMI ang kontra sa Proc. No. 50 ni P-Noy na nagbibigay ng amnestiya sa mga kaanib at sumuporta sa July 27, 2003 Oakwood mutiny, February 2006 standoff sa headquarters ng Phi-lippine Marines at November, 2007 takeover ng Manila Peninsula Hotel.

Mali raw kasi ang “timing” ng proklamasyon dahil babalewalain nito ang pitong taong paglilitis sa mga inakusahang sundalo (Sen. Trillanes, et al.,) kaugnay ng mga nasabing insidente. Lalo pa’t nakatakda nang desisyunan ni Judge Oscar Pimentel ng Makati Regional Trial Court, Branch 148 ngayong Oktubre 28 ang mga  usaping isinampa laban sa kanila.

Iginigiit ng mga kritiko na ang Proc. No. 50 ay isa na namang tahasang pagbalewala ng Pangulo sa doktrinang separation of powers, and this time between the executive and the judiciary.

Ayon sa ating saligang batas, ang pagkakaloob ng executive clemency (kapatawaran) ay kapangyarihan ng Pangulo ng bansa. At batay sa established jurisprudence sa ating bansa, maging sa Estados Unidos na kaparehas natin ang constitutional system, ang pagkakaloob ng amnestiya ng Pangulo, being a POLITICAL and not JUSTICIABLE issue, is beyond the pale of judicial inquiry, except as to its compliance with the express condition/s for its grant.

Ang liberalidad na amnestiya ay maaaring ipagkaloob sa isang GRUPO (kadalasang mga rebelde o mga kaanib sa military) na inaakusahang gumawa ng POLITICAL OFFENSES, kagaya ng rebellion at coup d’etat.

Subalit taliwas sa ibang uri ng executive clemency, pwedeng ipagkaloob ang amnestiya kahit hindi pa naco-convict ang mga benepisyaryo/grantee nito.

Ganito kasi ang nakasaad sa ating saligang batas hinggil sa kapangyarihan ng Pangulo na magkaloob nito: “He (the President) shall also have the power to grant AMNESTY with the concurrence of a majority of all the members of the Congress. (Art. VII, Sec. 19, par. 2; emphasis ours).

Di tulad ng pardon at iba pang uri ng executive clemency na kailangang masentensyahan muna ng conviction, by final judgment (meaning, wala nang apela) ang nasasakdal, bago siya pagkalooban nito (par. 1, ibid.).

Oo nga naman, a verdict of conviction can influence the President’s withholding of such beneficience in anticipation of an adverse public opinion. Ito’y kahit na buong-buo ang paniwala niya na ang akusasyon laban sa mga prospective beneficiary ay gawa-gawa lang o just an act of vendetta by the offended or irritated sitting administration.

Judgment call, kumbaga, ng Pangulo ang pagkakaloob ng na-banggit na amnestiya, kaya ito’y dapat na iginagalang, consistent with an appropriate and correct interpretation of the doctrine of separation of powers (Barrio-quinto v. Fernandez, 82 Phil. 642; Ex parte Garland, 4 Wall, 333, 380 U.S. 1903).

Sa puntong ito ay wasto ang posisyon ni Sec. Coloma ng Presidential Communications Group.

Inaasahan ng Rapidfire na magiisip-isip muna si Judge Pimentel  at mananaig ang katalinuhan niya sa kanyang pride at emosyon at IPAGPALIBAN muna niya ang nakatakdang PROMULGATION ng mga usapin laban kina Sen. Trillanes at mga kasahamahan niya.

Mas malaking constitutional crisis ang maaaring maganap kapag iba ang pumasok sa isip ni Judge Pimentel sa Oktubre 28. Alex Almario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply