Amnesty: Forgive-‘n-forget — TG

IPINANGTANGGOL  kahapon ni Sen. Teofisto Guingona Jr., ang amnestiyang iginawad ni Pangulong  Aquino  sa lahat ng rebeldeng sundalo sa pangunguna ni Sen. Antonio Trillanes IV .

Sa unang pagdinig ng Senate committee on peace and unification, sinabi ni Guingona na iginawad ni Pangulong Aquino ang amnestiya sa mga rebeldeng sundalo upang punan ang kakulangan ng mga institusyon sa lipunan sa paghahatid ng katarungan.

“Amnesty, therefore exists as an instrument for correcting these infirmities and for mitigating whatever harshness might be generated by a strict application of the law. As derived from its Greek root amnestia, which translates to “forgiveness,” ayon kay Guingona.

“The government chooses to turn a blind eye on the law being broken, for the sake of paramount state interests of peace and unity. In point of fact, amnesty not only forgives, it also forgets. Ultimately, the government is bestowing grantees of the amnesty a second chance to be productive and beneficial members of society,” dagdag ng senador.

Sinalungat din ni Guingona ang pananaw ni Sen. Joker Arroyo na panghihimasok sa kapangyarihan ng Hudikatura ang pagpapalabas ng amnestiya dahil nakatakda nang desisyunan ng Makati Regional Trial Court ang kaso ng mga rebeldeng sundalo sa Oktubre 28.

Iginiit pa ni Guingona na walang katotohanan ang pananaw pa ng ilang sektor na binabalewala ng amnestiya ang natuklasan ng Davide at Feliciano Commission na nag-imbestiga sa nabigong kudeta dahil rekomendasyon lamang ang tungkulin nito bilang tulong sa pagdedesisyon ng Pangulo.

Pinatunayan din ni Guingona na hindi lamang mga senador at pamilya ng rebeldeng sundalo ang may kagustuhan na makalaya sila, kundi ilang lider ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga dating mambabatas at lider ng Simbahan. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply