Amnesty kay Lacson: No way! – De Lima

HINDI kailanman maaaring pagkalooban ng amnesty si Sen. Panfilo Lacson.

Ito ang pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima sabay paliwanag na hindi maaaring ibigay kay Lacson ang parehong amnesty na natanggap ng mga rebeldeng sundalo kamakailan.

Ani De Lima, magkaiba ang sitwasyon ng dalawa.

Malinaw na mga isyung pulitikal ang basehan ng kaso ng mga sundalo, samantalang nahaharap sa kasong kriminal si Lacson kaugnay sa Dacer-Corbito double murder case.

Dahil dito, hindi umano maaaring ibigay ang katulad na amnesty para kay Lacson,  lalo na at hindi pa naman ito bumabalik sa Pilipinas para harapin ang reklamong nakahain sa Manila Regional trial Court (RTC).

Hindi na rin aniya maaaring idahilan ng kampo ni Lacson na ginigipit siya ng gobyerno dahil hindi na si  Pangulong Gloria Arroyo, kilalang kalaban ni Lacson sa maraming usapin, ang naka-upo sa Malakanyang. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply