Anak ng Toda prexy, todas

PINATAY at pinagnakawan pa ng dalawa sa apat na armadong lalaki ang anak ng pangulo ng malaking grupo ng mga jeepney driver at operator habang nagpapakumpuni ng kanyang sasakyan kahapon ng umaga sa Makati City.

Matapos pagbabarilin, tinangay pa ng mga armadong suspek ang gintong kuwintas at bracelet ng biktimang si Rufino Calderon, Jr., 40, residente ng 8190-B M, Reyes st., Brgy. Bangkal, sa naturang lungsod.

Si Calderon ay anak ng pangulo ng Evangelista-Libertad Drivers and Operators Association na si Totoy Calderon Sr.

Naisugod pa ang biktima sa Pasay City General Hospital subalit patay na nang idating sanhi ng mga tama ng bala .45 at .9mm na baril sa ulo at ibang bahagi ng katawan. Batay sa ulat ni PO3 Rico Caramat, ipinapakumpuni ng biktima ang kanyang pampasaherong jeep sa mekanikong si Pedro dela Cruz nang sumulpot ang apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo na pawang nakasuot ng helmet. Bumaba ang dalawang magkaangkas sa isang Suzuki rider na kapwa armado ng baril  at kaagad pinaputukan ng sunod-sunod ang biktima habang ang dalawa pa ay alertong nagmamatiyag kung may papalag. J. F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply