Anak ni Da King bagong MTRCB chief
NAKOPO ni Grace Poe-Llamanzares, anak ng namayapang Action King Fernando Poe Jr. ang posisyong iiwanan ni outgoing Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Consoliza La Guardia.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte, dumaan sa matinding screening si Llamanzares bago niya nakuha ang nasabing posisyon kahit sabihin pa na anak siya ng nasirang FPJ.
“Si Llamanzares ay dumaan sa screening natin she had , centrainly experience may tiwala ang Pangulo na kaya niya ang function sa MTRCB. Si Direk Maning (Manoling Morato) ay galing sa field na yan so we trust na magiging… additions sa MTRCB ,” wika ni Valte.
Wala namang ideya si Valte kung kailan manunumpa sa posisyon si Llamanzares at kung may ia-alok na posisyon si Pangulong Benigno Aquino III kay Laguardia.
Nauna rito, inendorso ng mga miyembro ng Directors’ Guild of the Philippines at iba pang showbiz luminaries si Llamanzares para umupo bilang MTRCB chair.
Marami ang naniniwala na kuwalipikado si Llamanzares sa posisyon lalo pa’t isa itong political science graduate mula sa Boston College sa Estados Unidos.
Isa sa maingay na sumusuporta kay Llamanzares ay ang actor-senator na si Jinggoy Estrada at veteran actress Lorna Tolentino,
Samantala sinabi ni Llamanzares na handang-handa siya sa posisyon dahil hindi naman aniya ito usaping politika kundi ito’y para sa showbiz na malaking bagay na mai-angat naman ng kahit konti ang industriya ng pelikulang pinoy. Kris Jose
You must be logged in to post a comment Login