Anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna, mag-aartista na rin

NAKAPAGTAPOS na ng kanyang pag-aaral si Garie, anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna at ngayon ay gusto na rin nitong pasukin ang showbiz.

College graduate na nga si Garie at dahil natupad na niya ang kagustuhan ng magulang kaya naman eto at susubukan naman niyang sundan ang yapak ng ama na maging artista.

Gusto ng anak nina Gabby at Grace na maging singer kaya kinuha niyang mag-manage ng career si Boy Abunda.

Matatandaan lumabas na si Garie noon sa mga showbiz talk show pero naudlot lang dahil hindi pa ito nakapagtatapos ng pag-aaral.

Ngayon ay all-out support na ang kanyang inang si Grace nang hilingan ng anak na gusto na nitong ipagpatuloy ang naudlot na ambisyon pasukin ang showbiz.

Katulad din ni Garie si KC Concepcion nang pasukin ang showbiz ay nagtapos muna ito ng pag-aaral. Magkaiba man ang kanilang nanay ay close naman sa isa`t-isa sina Garie at KC.

May isa pa silang kapatid sa ama na hindi pa nila nakikita, si Chloe na dalagita na rin ngayon at nakatira sa Sweden.

Siya ang anak ni Gabby kay Jenny Syquia na happily married na ngayon sa Swedish husband na si Philip Skame.

Gamit na apelyido ni Chloe ay Skame dahil legally adopted na siya ng kanyang stepfather at 16 years old na ang dalagita na hindi maipagkakailang kapatid ni KC dahil malaki ang kanilang pagkakahawig, Mas kamukha ni KC si Chloe kaysa kay Garie.

DI RAW KASALANAN NI SOLENN KAYA NAG-BREAK SINA RICHARD AT JEWEL

Ang laging sinasagot ni Solenn Heussaff sa nagsasabi na siya ang ng dahilan ng break-up nina Richard Gutierrez at Jewel Mische ay: “It`s not my fault, ha!”

Nagsimula ang tsika sila na ngayon ni Chard nang magsimula aminin ng actor na break na sila ni Jewel tapos naglabasan na madalas silang lumabas ni Chard.

Pero sa halip na magalit ay natatawa na lang si Solenn at pinandigan na magkaibigan lang ni Chard.

Kilala na raw niya si Chard kahit noong wala ang Survivor Philippines:Celebrity Edition at naniniwala si Solenn na may ibang babae para sa actor.

Sa nagtatanong kung bakit hindi na lang niya sakyan ang tsismis sa kanila ni Richard Gutierrez? Kaagad na sagot niya: “Because I don’t use people.”

Puwede daw sila magsama ni Chard sa pelikula pero natatakot siya dahil hindi pa daw siya magaling umarte.

“Kailangan ko pa mag-aral magsalita ng tuwid na Tagalog. Ayoko pagtawanan sa pagsasalita ng baluktot na tagalong,” say ni Solenn.

*************

Mapapanood na ang Hole In The Wall sa Sabado bago ang Asar Talo ni Edu Manzano sa GMA 7. Ito ang ipinarating sa amin pagbabago sa timeslot ng tandem nina Ogie Alcasid at Michael V sa “HITW”

Dahil may sore eyes pa si Michael ay pinalitan muna siya ni Cesar Montano bilang co-host ni Ogie sa naturang game show sa Siyete.

Naging kuwela naman si Cesar sa pagiging co-host ni Ogie dahil sanay na rin ito sa pagho-host ng game show, di ba nagkaroon din siya ng game show sa Dos.

Anyway, isang Linggo muna magiging co-host ni Ogie si Cesar at pagkatapos ay babalik na uli si Michael na nagpapagaling pa sa sakit ng sore eyes.

Masaya si Cesar sa pangangalaga sa kanya ng GMA management dahil ngayon pa lang ay may inihahandang nang sitcom sa kanya ang Siyete na ayaw pa munang ibanggit ang title ng sitcom pero 100% tuloy na tuloy na ito.

***************

Marami ang pumupuna sa pagsasama ng mga bagets star ng GMA 7 na pinagsama-sama sa isang show.

Bakit kailangan pa raw pagsama-samahin ang mga ito samantalang puwede naman i-build-up ang bawat isa.

Tulad nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na kilala ang tandem magmula nang magsama sa First Time.

Tapos eto at isasalang sila na sangkatutak na bagets na hindi mo malaman kung anong istorya.

Sana bigyan na lang sila ng GMA management ng tamang project na magkasama or solo show. (Tamaaaa!Para silang chop suey.—ED) Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply